Ang World Liberty Financial (WLF), na konektado sa pamilya Trump, ay pumirma ng letter of intent kasama ang Pakistan Crypto Council (PCC). Ayon sa proyekto, ang partnership na ito ay magpapalakas sa blockchain development, paggamit ng stablecoins, at pag-expand ng DeFi sa Pakistan.
Kamakailan, nakipagkita ang delegasyon ng WLF kay Prime Minister Shehbaz Sharif, Army Chief General Asim Munir, Finance Minister Muhammad Aurangzeb, at iba pang matataas na opisyal para pag-usapan ang mga oportunidad sa collaboration.
Pakistan Todo sa Pag-develop ng Crypto
Naghahanda ang gobyerno ng Pakistan na i-announce ang kumpletong set ng cryptocurrency regulations. Layunin nitong gawing isa ang Pakistan sa pinakamabilis na lumalagong crypto hubs sa buong mundo.
Noong nakaraang buwan, naiulat na sumali si Changpeng ‘CZ’ Zhao, founder ng Binance, sa Pakistan Crypto Council bilang Strategic Advisor.
Samantala, mukhang ginagamit ni President Trump ang kanyang impluwensya para itulak ang DeFi initiative na konektado sa World Liberty Financial.
Para sa iba pang crypto news sa Tagalog, tumungo sa BeInCrypto Pilipinas. I-check mo na rin ang aming Facebook page!